Bakit itinuturing na natural na institusyon ang pamilya?
- Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao o community of persons na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan , ipakita at ipadama ang pagmamahal. Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan (necessary good for society); kaya't kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto nito sa lipunan sa kabuuan.
- Nabuo ang pamilya sa pagmamahal ng isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at magsama ng habangbuhay. Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa (conjugal love) ay nakapagbibigay buhay (dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak), kaya patungo ito sa pagmamahal ng magulang (paternal love).
- Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay buay. Mahalaang maging bukas ang pamilya sa kapwa pamilya at maayos na gampanan ng bawat kasapi nito ang kanilang tungkulin sa lipunan.
- Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal. Ang ugnayang dugo (another self), may dignidad at karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya (halimbawa, kapangyarihan, kagandahan, o talento.) Hindi ito kumikilos batay sa prinsipyo ng paggamit lamang (principle of utility).
- Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable source of social life). Ang paggalang at pagpapatatag ng dignidad ng bawat kasapi ng pamilya ay nagiging batayan upang ang malayang pagbibigay sa iba ay buong pusong tanggapin at magkaroon ng pagakakaisa. Iginagalang ng bawat isa ang dignidad ng kapwa miyembro, kaya't ang malayang pagbibigay ai ipinakikita sa taos-pusong pagtanggap, paglilingkod, diyalogo, malalim na pagkakaisa, at pagtutulungan.
"Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at ang pamumuhay ng simple. Sa aking ama, natutuhan ko na ang pangangalaga sa integridad ng aking pagkatao at ang karangalan ng pamilya ang pinakamahalaga sa lahat."
- Dating Kalihim Jesse Robredo
- May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. Kasama sa panlipunang tungkulin ng pamilya ang gampaning politikal tulad ng pagbabantay sa ma batas at institusyong panlipunan - kung ang mga ito ay sumusuporta sa ipinagtatanggol ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Kaya may pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan pakikisangkot sa mga isyu at usapin - at hindi nakatuon sa kapakanan ng sariling pamilya lamang.
- Mahalagang misyon ng pamilya ang paggabay sa mabuting pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya. Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa puso ng anak ang siyang magtuturo sa kaniya na maging maingat at maayos sa kaniyang mga pagpapasya. Ngayong nahaharap sa mga nagatibong impluwensiya ang mga kabataan, mahalagang taglay nila ang mga pagpapahalagang kailangan para sa maingat na pagpapasiya.
Kataas pudt
ReplyDeleteMao ba
DeleteAtleast nay answer
DeleteYari kay maam
Deletety sa answer
Deleteang haba amp
DeleteBakit ang pamilya ay isang maliit na yunit ng lipunan
ReplyDeleteGaling thankyou sa sagot HAHAHAHA
ReplyDeleteYess thankies sa sagot
ReplyDeleteThank you sa sagot
ReplyDeleteDahil matiwasay Ang pagsasama ng isang mg asawa
ReplyDeleteAhhh ok
ReplyDeleteWOW GALING THANK YOU PO
ReplyDeletetaas siya pero okay na salamat sa lahat borahae💜
ReplyDeleteThanks. Stan Blackpink🖤💗
ReplyDeleteYes I Stan blackpink and my bias is Lisa😃💗
DeleteSalamat sa sagoott
ReplyDeleteTy hehe
ReplyDeleteMultifan ako ✋😩
ReplyDeletehash hash
ReplyDeleteCasino - Slots, Live Dealer, Table Games, Table Games
ReplyDeleteWe offer all the 천안 출장샵 latest casino games at 포천 출장마사지 JT and in-house at 제주도 출장안마 JT Casino! All the 용인 출장샵 latest and greatest slot machines, online scratch card games, electronic tables, 부산광역 출장안마
Thankiee
ReplyDelete